DALAWANG drug personalities ang nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3 sa Caloocan City nitong nakalipas na linggo.
Sa ulat na ibinahagi ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, nasa kalahating kilo ng Shabu na may street value na aabot sa halagang P3,450,000 ang nasamsam sa dalawang suspek .
Kinilala ni PDEA Central Luzon Director Brayan Babang ang mga nadakip na sina Ernesto Baculi y Española ,32, ng Blk 17 Lot 30, Yakal St. Cristina Homes, Brgy. Camarin, Caloocan City at Johnson Salvador y Mahinay, 33, ng Blk 3 Lot 23, Sampaguita St, Brgy. 177 Camarin, Caloocan City.
Batay sa report ni PDEA Region 3 Regional Director Bryan Babang, isang ahente nila ang nagpanggap na poseur-buyer ang nakakuha ng drug deal sa mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.
Matapos ang anti-drug operation, limang pirasong knot-tied transparent plastic na naglalaman ng puting crystalline substance na tumitimbang ng 500 gramo na nagkakahalaga ng P3,450,000; isang unit android mobile phone at ang marked money na ginamit ng poseur buyer ang nakuha sa mga suspek.
Mahaharap ngayon ng kasong paglabag ng seksyon 5 (pagbebenta ng mga mapanganib na droga) na may kaugnayan sa seksyon 26B (conspiracy to sell) at sectio 11 (pag-aari ng mga mapanganib na droga) ay inihahanda laban sa mga suspek. (VICTOR BALDEMOR)