Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang babaeng online seller dahil sa two counts ng estafa kamakalawa ng umaga sa Leon Guinto Street, Malate,Maynila.
Ang suspek na si Sheila Arcilla, ng No.2272 Leon Guinto St., Malate, ay nasa kustodiya na ngayon ng MPD-Polce Station 9.
Si Arcilla ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Aida Dacara Coliflores ng Las Piñas Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 122 na may petsang Enero10, 2023 habang nasa harap ng kanyang bahay, alas- 10:45 ng umaga.
Inirekomenda ng korte ang P36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Mapayapa naman na sumuko sa mga pulis ang suspek. (Jantzen Tan)