Okada, Cojuangco at iba pa, kinasuhan sa DOJ

SINAMPAHAN ng patung-patong na kaso sa Department of Justice (DOJ) ang grupo ni gaming tycoon Kazuo Okada dahil sa puwersahang pagtake-over sa Okada,Manila

Kabilang sa kinasuhan ng Tiger Resorts Leisure and Entertainment Inc. (TRLEI), operator ng Okada Manila sa pamamagitan ng Divina Law Office sina Okada, Antonio Cojuangco, Dindo Espeleta, Maximo Modesto Josel Flores, Tetsuyo Yokota at Hiroshi Kamamura, sa magkakahiwalqy na information.


Gayundin sina Florentino “Binky” Herrera III, Jose Nicolas, Nolando Gdis, Jammag BB, Dunama Ja, Mecatunggal AB, Salival Ba, Sajucom Jm, Tamang Ong, Ramos MF, Afunay NB, Bulanan CA, SG Orsal DG, Salibul Ma, Gabunfa Ba, Dawamom BA at ilang John atJane Does.

They were charged with kidnapping, grave coercion, unjust vexation, and serious illegal detention before the Department of Justice (DOJ) in Manila.

Ayon sa TRLEI, ang grupo ni Okada sa pangunguna ni Cojuangco, Espeleta, ilang pribadong guwardiya at sheriff mula sa Parañaque regional trial court ay inagaw umano ang kontrol ng Okada Manila noong Mayo 31, .
Sa hiwalay na reklamo,sinabi niTRLEI directors Michiake Satate at James Lorenzana na sila ay pinalayas.mula sa ballroom, habang si Hajime Tokuda ay pinigil na labag sa kanyang kagustuhan at pinauwi.


Matatandaan na noong nakaraang Abril ay nagpalabas ng ruling ang Supreme Court na ang Okada ay pinamumuno muli sa casino-resort bilang head ng TRLEI. Ito ay sa dati niyang posisyon kung saan siya ay pinatalsik noong 2017 dahil sa umano’y maling paglaan o “misappropriating” ng $3 milyon.

Umapela ang TRLEI sa SC at tumanggi na bakantehin ang resort habang walang court resolution.


Ayon kay Atty. Estrella Elamparo, legal counsel ng TRLEI, ang takeoer umano ay iligal dahil ang grupo ni Okada ay inagaw ang lugar sa pamamagitan ng puwersa.

Nabatid na ang 44-hektaryang Okada Manila sa world-renowned Manila Bay ay may 993 suites at villas, 500 table games, at 3,000 electronic gaming machines. (Arsenio Tan)


Tags: Department of Justice (DOJ)

You May Also Like