NAGBABALA ang Bureau of Customs maging ang Department of Migrants Workers sa mga overseas Filipoino Workers na maging maingat sa pagpili at pagkuha ng serbisyo ng mga cargo or door-to-door deliveries lalo na ngayong magpa-Pasko.
Ito ay kasunod ng balikbayan delivery modus na nauwi lamang sa pag-abandona ng mga container ng mga balikbayan boxes na ngayon ay nakatambak lamang sa bodega ng BOC.
Ipinag-utos ni Custom Commisioner Yogi Felimon Ruiz na ideliver na o ibinagay na sa mga consignees ang mga balikbayan boxes bago pa mag-Pasko.
Kasabay nito ay nakipag-koordinasyopn ngayon ni Comm. Ruiz sa Department of Migrant Workers at Department of Trade and Industry-Fair Trade Enforcement katuwang ang Door-to-door Deconsolidators Association of the Philippines para panagutin ang mga nasa likod ng balikbayan delivery modus.
Napag- alaman na nadiskubre ng mga opisyal sa Aduana ang napakaraming balikbayan boxes mula sa Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nananatili sa pangangalaga ng Manila International Container Port (MICP).
Matatandaang una nang ipinag-utos ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na agad na ipamahagi ang mga balikbayan boxes na nasa 19 na abandonadong containers sa mga pamilya ng mga OFW ngayong Christmas Season.
Paalala ni Ruiz sa mga OFWs na nais magpadala ng balikbayan boxes na siguraduhing lehitimo ang mga consolidators at deconsolidators o mga tatanggap at magpapadala ng kanilang kargamento upang hindi naman masayang ang kanilang pinaghirapan.
Pinangangambahang tatambak pa ang mga balikbayan boxes o mga cargo packages ngayong Yuletide season na nakaugalian na ng mga nasa ibang bansa na magpadala sa mga mahal sa buhay .
Ayon kay Ruiz, sinagot na mismo ng BOC ang gatos sa pag-proseso nito kung saan maaaring makipag-ugnayan ang pamilya ng OFW sa MICP – Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) sa numerong 0960-939-9870 o kaya sa boc.cares@customs.gov.ph para makuha ang mga balikbayan boxes.
Napag-alaman na ‘ready for pick-up’ na ang mga balikbayan boxes sa mga warehouse sa Sta Ana, Manila at sa Balagtas, Bulacan kung saan kailangan ay magdadala lamang ng mga kinakailangang dokumento para makuha ang mga ito. (VICTOR BALDEMOR)