Latest News

Notoryus na holdaper, timbog

NATAPOS rin ang suwerte ng isang notoryus na holdaper matapos na maaresto ng pjnagsanib na tauhan ng Manila Police District – Don Bosco Police Community Precinct at mga tauhan ng MPD- Theft and Robbery Section, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ayon kay PLtJamel Lucero,hepe ng MPD-TRS sakit na ng ulo sa kanilang lugar ang suspek na si Glenn Olano Aumentado 27, Batang City Jail at taga 41 Magsaysay, Tondo dahil sa pagkakasangkot nito sa serye ng holdapan sa lugar at iba pang karatig na lugar.

Ikinasa ang follow-up operation at nang makumpirma na nasa kanyang lugar ang suspek ay bumuo ng grupo at inaresto ,alas 6 ng gabi.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang maaresto.

Hinikayat ng pulisya ang mga nabiktima ng suspek na magpunta sa MPD-TRS para sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read