Mayor Isko Moreno calls on supporters not to join any protest activity saying it is time to move on. (TSJ)

NO PERMIT, NO RALLY SA MAYNILA

IPINAG-UTOS na ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mahigpit na implementasyon ng “No permit, No rally” sa lungsod.

Nabatid na nilagdaan na ni Domagoso nitong Miyerkules ang isang memorandum na nag-aatas sa Manila Police District (MPD), na pinamumunuan ni PBGEN Leo Francisco, mga station commanders, mga punong barangay, at si Bureau of Permits officer-in-charge Levi Facundo, hinggil sa mahigpit na pagpapatupad ng “Batas Pambansa 880” o “The Public Assembly Act.”

Ayon kay Domagoso, dapat kumuha muna ng permit mula sa lokal na pamahalaan ang mga nagpaplanong magsagawa ng pampublikong pagtitipon sa Maynila.


Ipinag-utos din ni Domagoso kay Francisco na mahigpit na ipatupad ang mga probisyon ng nasabing batas.

“Tapos na ang kampanya, tapos na ang halalan, nagdesisyon na ang tao. Now, we have to put things in right order. For the purposes of moving on at kayo ay maibalik na sa normal, yung normal na pamumuhay, kailangan na pong ilagay natin sa tamang perspektibo ang mga bagay bagay,” anang alkalde.


“My job is to keep you safe. My job is to give you opportunity. Ang trabaho ko ay mabigyan kayo ng maaliwalas, matiwasay, at panatag na pamumuhay sa lungsod ng Maynila,” paliwanag ng alkalde.

Samantala, inatasan din niya si Levi Facundo at Manila Barangay Bureau director Romy Bagay na tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad sa lahat ng barangay kaugnay sa aplikasyon ng mga permit. (Baby Cuevas)


Tags: Manila Mayor Isko Moreno Domagoso

You May Also Like

Most Read