Latest News

No. 2 ‘Man’ ng Maynila: Babae at doktora

ANG pagiging pangalawa sa pinaka-makapagyarihang opisyal sa kabisera ng bansa— ang Lungsod ng Maynila—  at palagiang kaagapay ng high-profile na alkalde na si Mayor Isko Moreno,  ay hindi basta-basta. Lalo na kung ikaw ay isang babae.

Gayunman nagagawang hawakan ni Vice Mayor Honey Lacuna ang kanyang trabaho nang napakahusay at ito ay bilang Manila’s ‘No. 2 Man’ . Nagawa ni VM Honey na lagpasan ang mga ekspektasyon sa kanya nang may flying colors. Kaya naman hindi kailan nakakalimutan ni Mayor Isko na kilalanin at pasalamatan si VM Honey sa kanyang all-out support sa mga programa at visions — mula sa planning stage hanggang sa post-implementation— na ayon sa alkalde ay highly instrumental sa hindi mabilang na tagumpay na patuloy na inaani ng kanyang administrasyon.

Kauna-unahang babaeng nahalal na vice mayor sa 450 kasaysayan ng Maynila noong 2016, si Vice Honey — ay ipinanganak noong May 6, 1965 at ang buong pangalan niya ay Maria Sheilah Honrado Lacuna-Pangan. Siya ay anak ni Danilo Lacuna na isang matalino at prominenteng abogado noong kapanahunan niya at nagsilbi din Manila’s vice mayor mula 1988 hanggang 1992 at muli mula 1998 hanggang 2004 at Melanie Honrado, isang dating executive sa Philippine National Bank (PNB).


Ang malaking pinagkaiba ni Vice Honey sa ibang vice mayors ay kanyang pagiging isanga topnotch dermatologist. Nakatulong ito ng malaki kay Mayor Isko nang ibigay niya ang supervision ng city government’s health cluster, partikular nang anim na pinatatakbong ospital ospitals ng lungsod. Ang asawang si ,Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan ang siya naman head ng Manila Health Department.

Sa bawat pagkakataon ay laging pinasasalamatan ni Mayor Isko ang Diyos, mga Manileño dahil ibinigay sa kanya sa pamamagitan ng boto ang isang lady doctor bilang vice mayor.

Tila isang tadhana na ang pagiging eksperto ni VM Honey bilang doktor ay napakalaki ng maitutulong sa policy-making decisions ni Mayor Isko sa panahon ng pandemya.

Tahimik pero puspusan pa rin ang pagtatrabaho ni Vice Honey upang makasabay sa kanyang workaholic na partner na si Mayor Isko, na nagtatrabaho 24/7 kabilang na ang weekends.


Hindi puwedeng balewalain ang profile at service record ni Vice Honey bilang a public servant.Matapos na magtamo ng Biology degree sa University of Santo Tomas, tinapos niya ang kanyang Residency Training in Dermatology sa Ospital ng Maynila Medical Center at nagtamo ng Doctor of Medicine degree mula sa De La Salle University Emilio Aguinaldo College sa Dasmariñas, Cavite.

Matapos na pumasa sa Philippine Physician Licensure Examination, nagtrabaho siya bilang resident physician ng dermatology department ng Ospital ng Maynila Medical Center mula 1992 hanggang 1995 at pumasok sa Manila Health Department kung saan siya naging Health Center physician at na-assign sa Bacood Health Center sa Sta. Mesa at kalaunan ay sa Tondo Health Center mula 1995 hanggang 2004.

Nang matapos niya ang residency training para sa dermatology sa Ospital ng Maynila Medical Center, siya ay naging Fellow of ng Philippine Dermatological Society.

Ang kanyang karanasan at exposure bilang public health physician ang dahilan kung bakit siya napalapit sa underprivileged sector, lalo na nang atasan siya ng kanyang matalinong ama na Vice Mayor noon na si Atty. Danny Lacuna na pangunahan ang medical team sa regular medical atbdental mission na ginagawa ng kanyang tanggapan linggo linggo sa mga depressed communities sa Maynila.


Kapalaran na ang nagpasya nang isang kandidato sa pagka konsehal sa ilalim ng tiket ng kanyang ang umatras. Katakot-takot na panghihikayat ang kailangang gawin kay Vice Mayor Danny upang gawing substitute ang kanyang anak na tuluyan ng pumasok sa mundo ng pulitika.

Bilang baguhan sa pulitika sa Maynila ay nagpakita ng potensyal si Dra. Honey nang pumang-apat ito sa anim na slots para sa councilors na kakatawan sa nasabing distrito sa Manila City Council.

Madali niya ring nagampanan ang posisyon ng Minority Whip sa kanyang first term (2004-2007).

Taong 2007, pumangalawa si Dra. Honey bilang reelected councilor para sa second hanggang 2010. Dahil dito ang Manila City Councilor members ay binoto siiya bilang Majority Floorleader, siya ang unang babaeng pinagkalooban ng sensitibong posisyon kung saan napanatili niya hanggang third term mula 2010 hanggang 2013.

Bilang miyembro ng Manila City Council, iniakada ni Councilor Honey ang mga sumusunod: Ordinance 8095 designating Bicycle and Motorcycle Lanes in main thoroughfares in Manila; Ordinance 8179 creating the Manila AIDS Council for the prevention and control of sexually transmitted infections; Ordinance 8117 mandating all business establishments, private and public offices in the City of Manila, including schools to require all their applicants and employees to submit to drug testing and to conduct unannounced drug tests on all their employees at least once a year and Ordinance 8102 requiring the city’s hymn (Awit ng Maynila) in all flag ceremonies of schools, offices and other institutional/official programs and in the opening of any and all official gatherings in the City of Manila.

Bilang councilor, natapos niya ang three consecutive terms para sa nine straight years (2004 to 2013). Siya ay na- appoint bilang hepe ng Manila Social Welfare Department mula 2013 hanggang 2015 kung saan itinuloy niya ang sinimulang trabaho na maibsan ang kahirapan ng mga underprivileged sector, homeless, low-income families, out- of- school youth, children in conflict with the law, youth offenders, abandoned children at elders at maging ang mga differently-abled and people with disability. Maagap din siya sa pagtulong sa mga emergencies tulad ng sunod at baha.

Tuloy din ang pagsasagawa niya ng door-to-door visit sa mga pasyente na kailangan ang kanyang atensyon at tulong. Ito ay isang bagay na kanyang ginagawa bago pa siya pumasok ng pulitika. Ang gawaing ito ay nagtuloy-tuloy sana kundi lamang naganap ang pandemya.

Ang slogan na kanyang ginamit sa kanyang kampanya, “Pagmamahal ng isang Ina, Kalinga ng isang Doktora (Love of a Mother, Care of a Lady Doctor)” ay nag-ugat sa kanyang lakas bilang isang babae.Walang duda na ang kanyang pagiging maybahay, anak, kapatid at ina ay lumikha ng malaking papel sa kanyang malasakit sa mga nangangailangan.

Hindi katulad ng ibang pulitiko, hindi namimigay ng pera si Vice Mayor Honey sa mga nangangailangan ng medical assistance. Sa halip ay pinupuntahan niya sakay ng kanyang motorsiklo ang mga nangangailangan at binibigyan niya ng libreng check-ups tulong medikal.

Siya ay nanalo bilang vice mayor noong 2016, at kaunahang babaeng vice mayor ng Maynila at muling nahalal noong 2019 bilang runningmate ni Mayor Isko. Sila ay tumakbo sa ilalim ng local political party na ‘Asenso Manileño’ na co-founded ng kanyang ama at bukambibig na ng mga Manileño.

Naniniwala si Vice Mayor Honey ang kanyang pagiging lady doctor ang kanyang naging kalamangan nang unang siyang manilbihan bilang bise alkalde noong 2016.

Gayunman, ang paglilingkod bilang Vice Mayor sa ilalim ng napatalsik na Presidenteng Erap Estrada ay nagkait sa kanya ng pagkakataon na magampanan ng husto ang kanyang trabaho dahil isa man sa kanyang suhestyon at plano ay hindi pinagbigyan nito.

Ngayon ay bawing-bawi si Vice Mayor Honey sa kanyang partnership sa isang proactive, transformational at visionary leader sa katauhan ni Mayor Francisco Isko, na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na patunayan ang kanyang kahusayan at natatanging abilidad na mamuno at magbigay ng napakalaking tulong sa executive department.

Maliban sa pagiging regular na presiding officer ng 38-member Manila City Council na tumutulong sa alkalde sa pamamagitan ng paglikha ng mga ordinansa para sa mga hakbangin ng administrasyon, ay buong-buo ang pagtitiwala ni Mayor Isko kay Vice Honey pagdating sa mga executive functions tulad ng mga healthcare services at iba pang medical-related na mga bagay na magbibigay benepisyo sa mamamayan ng lungsod.

Habang pinasasalamatan ni Mayor Isko ang Panginoong Diyos sa pagbibigay sa kanya ni Vice Mayor Honey bilang katuwang sa pamamahala, labis ding nagpapasalamat si Vice Mayor Honey sa Panginoong Diyod sa paglalagay kay Mayor Isko bilang punong ehekutibo ng Maynila matapos ang anim na taon ng magulong pamamahala at bago naganap ang pandemya.

Naniniwala si Vice Honey na ang kanilang tambalan ni Mayor Isko para pamunuan ng mamamayan ng Maynila ay kaloob at biyaya ng Poong Maykapal. Ang uri ni Vice Mayor Honey ang nagtaas ng pamantayan para sa isang babaeng pulitiko at salamat dahil ang luma ng pagkilala sa kababaihan bilang “the weaker sex” ay isang malaking kasinungalingan.

Tags:

You May Also Like

Most Read