Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR) ang isang Nigerian national na naga-apply ng asylum sa Pilipinas, kamakalawa ng umaga sa loob ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila.
Ang suspek na si Legion Iho Kpila ay may kasong paglabag sa Article 318 (Other Deceits) under the Revised Penal Code (RPC), in relation to R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).
Isinilbi ang arrest warrant sa suspek habang dumadalo sa kanyang aplikasyon para sa asylum sa DOJ.
Nakadetine ngayon sa NBI custodial facility ang suspek.
Ang pag-aresto sa suspek ay resulta ng ginawang imbestigasyon ng NBI-Cordillera Administrative Region (NBI-CAR).