NBI, NAKASABAT NG P13 MILYONG PEKENG PRODUKTO

By: JANTZEN ALVIN

Umaabot sa P13 milyon halaga ng pekeng produkto ang nasabat ng mga ahente ng NBI-Rizal District Office (NBI-RIZDO) at NBI-National Capital Region (NBI-NCR) sa magkahiwalay na operasyon kamakailan sa Quezon City, Maynila at Las Piñas.


Ayon kay NBI Director Jaime B. Santiago, nakatanggap ng reklamo ang NBI-RIZDO at humihingi ng tulong para magsagawa ng imbestigasyon dahil sa paglabag ng ilang indibidwal sa RA No. 8293, kung saan sangkot umano sila sa marketing, distribution at pagbebenta ng mga pekeng Huawei Technologies Co., Ltd. Products sa Maynila.

Kaugnay nito ay nagsagawa ng surveillance at test-buy ang NBI at nang makumpirma ang pagbebenta ng pekeng produkto ay nag-apply ang ahensiya sa korte ng search warrant, na nagresulta sa pagkaka-kumpiska ng may P1 milyong pekeng Huawei products noong Hulyo 5, 2024.

Samantala, napag-alaman na nagsampa din ang Lee Bumgarner, Inc. (LBI), kinatawan ng Victoria’s Secret and Bath & Body Works, ng reklamo kaugnay sa mga nadiskubreng pagbebenta ng kanilang mga pinekeng produkto.


Nang makumpirma, ay kaagad. nagkasa ng operasyon ang NBI na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga pekeng produkto na nagkakahalaga ng Php 12,282,500.00 sa Maynila, Quezon City, at Paranaque City

Nabatid na sinampahan ng kasong paglabag sa Section 155 (Trademark Infringement) at Section 168 (Unfair competition) of RA No. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) ang mga may-ari ng establisimiyento.


Tags: NBI-National Capital Region (NBI-NCR), NBI-Rizal District Office (NBI-RIZDO)

You May Also Like