Magdiriwang ngayong Nobyembre 13, 2023, ng ika- 87th Founding Anniversary ang National Bureau of Investigation (NBI) na may temang “Modernong NBI, Kaagapay ng Bagong Pilipinas”.
Ang tema ngayong taon ay bunsod ng patuloy na modernization ng kagawaran sa pamamagitan ng infrastructure,proseso at organizational structure para mas mapalakas ang kakayahan sa imbestigasyon at forensics.
Ito ay para mapanatili ang legacy na serbisyong maayos ng pinaka-respetadong law enforcement agency sa bansa sa nakalipas na 87 taon.
Sisimulan ng NBI ang dalawang araw na selebrasyon sa isang Eucharistic Mass,alas-8 ng umaga sa Diamond Hotel, Manila, na susundan ng awarding ng NBI employees.
Si Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla ang magiging guest of honor at speaker.
Ang mga NBI employees na loyal na nag-erbisyo ay bibigyan ng komendasyon sa gagawing Service Awards.
Ang aktibidad sa ikalawang araw ng anibersaryo ay. magsisimula sa isang Command Conference habang magkakaroon naman ng Employees’ Night sa gabi.
Magugunita na naging kontrobersiyal ang anibersaryo ng NBI noong nakalipas na taon dahil sa pag-imbita at mahalay na.pagsasayaw ng dalawang babaeng guests.