Latest News

NANG-UMIT NG 15 TSOKOLATE, ARESTADO

By: Baby Cuevas

Sa kalaboso bumagsak ang isang 20- anyos na binata matapos mang-umit ng 15 piraso ng “Toblerone” chocolates sa loob ng SM Supermarket , kamakalawa ng gabi sa Maynila.

Itinurn-over sa Manila Police District -Police Station 5, ang suspek na si Carl Ariane Balinsoy, 20, tubong Tanauan Batangas at taga 114-Humilidad St., Barangay 14 zone 1 Pasay City ng mga inarestong security guard.

Sa imbestigasyon, naganap umano ang insidente,alas-8:30 ng gabi nitong Huwebes matapos na pumasok sa supermarket ang suspek at isinilid ang 15 piraso ng Toblerone na nagkakahalaga ng P2,062 sa isang kulay pulang paper bag.

Kasunod nito ay lumabas na ang suspek nang hindi dumaan sa cashier at tinangka pa nitong tumakas nang sitahin ng lady guard na si Wilsy Grace Margallo pero naaresto ng iba pang guwardiya.

Sinampahan ng kasong theft (shoplifting),ang suspek sa Manila Prosecutors Office.

Tags:

You May Also Like

Most Read