Latest News

Nanay at tatay ng itinapong fetus, natunton

Nahaharap ngayon sa kaso ang mga magulang ng isang fetus na itinapon sa isang parking lot matapos na matunton ng Manila Police District(MPD) ang mga magulang ng nasabing fetus, kamakalawa ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Sa kabila nang naipaliwanag ni John Troy Natividad, nurse sa UERM Hospital, na nakunan ang nanay ng fetus na si Shane Harbolario, papapanagutin pa rin ito at ang kanyang asawa na si Shean Anthony Actang dahil sa iligal na pagtatapon sa fetus.

Ayon kay PLt.Dennis Turla,h epe ng Manila Police District-homicide section, may paglabag umanong ordinansa ang iligal na pagtatapon ng fetus.


Nabatid na nakita umano ng mga naghuhukay sa parking lot ng Phase 1 Metro Homes Anonas St.Sta Mesa ang fetus na iniwan sa lugar at inilagay sa kulay brown na kahon alas-7 ng gabi.

Kaagad umanong ipinagbigay-alam sa Plaza Avelino PCP ang nakuhang fetus ni Melchor Villarosa.


Sa imbestigasyon, natunton sa CCTV na si Actang ang nag-iwan ng fetus.

Itinurn-over sa MPD-PS8 ang kaso para sa kaukulang disposisyon. (Arsenio Tan)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read