ARESTADO ng isang Barangay Ex-0 ang isang 19-anyos na lalaki na sumaksak sa isang 18 -anyos na kaalitan ,matapos ang pagsusuntukan,kamakalawa ng gabi sa Pasig Line St., Sta. Ana,Maynila.
Isinugod sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Aljay Almanzor y Ramos ng No. 1803 Valle St., Kahilum 1, Brgy. 871, Pandacan, Maynila dahil sa tama ng saksak sa kaliwang dibdib.
Nasa kustodiya ng Manila Police District- San Andres PCP ang suspek na si Ryan Cariño y Pantaleon Gio, at taga No. 1950 F. Torres St., Brgy. 791, Sta. Ana, Maynila.
Sa imbestigasyon,naganap ang insidente alas -9:45 ng gabi sa nabanggit na lugar.
Ayon sa biktima, papauwi na umano siya matapos na dumalo sa isang birthday party at nang makita siya ng suspek ay kaagad siyang kinompronta dahil sa matagal nang alitan.
Nagresulta umano ito sa pagsusuntukan ng dalawa hanggang bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima.
Nakita umano ng mga bystander ang ginawa ng suspek sa biktima kaya hinabol ito. Tumakbo ito sa direksiyon ng Barangay Hall ng Bgy 792 at nagkataon na nasa lugar si Brgy Ex-O Limuel Leonen at nakatayo at siyang dumakma sa suspek. Itinuro ng suspek kung saan niya itinapon ang patalim na ginamit sa pananaksak sa biktima.
Sinampahan ng kasong frustrated homicide ang suspek sa Manila Prosecutors Office. (Philip Reyes)