NAPILITAN nang lumantad kahapon ang SUV driver na nanagsa ng isang security guard sa Mandaluyong City kamakailan matapos na maglabas ng ultimatum si Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr. na dakpin ang suspek oras na hindi pa ito lumutang.
Kinokonsidera ngayon ni Lt Gen Vic Danao na masasabing “case solved” ang kaso ng hit-and-run sa security guard na nagmamando ng trapiko sa lugar makaraang personal na humarap sa kanya sa Camp Crame kahapon ng tanghali ang pangunahing suspek sa insidente.
Dumulog sa tanggapan ng heneral si Jose Antonio Sanvicente kasama ang kanyang mga magulang at abogado.
Kasunod ng ginanap na pulong balitaan , , inamin ng mga magulang ng suspek na nagdesisyon na silang humarap sa PNP kasama ang kanilang anak matapos marinig ang “ultimatum” na ibinigay ni Lt. Gen. Danao na aarestuhin ang suspek kapag hindi pa rin ito sumuko.
Kaugnay sa biktima , tiniyak ng mga magulang ni Sanvicente na handa silang sagutin ang lahat ng medikal na pangangailangan ng security guard na kasalukuyang nasa ospital matapos itong bundulin at sagasaan pa saka inabandona.
Sinabi naman ni Danao na ngayong sumuko na ang suspek ay isasailalim ito sa preliminary investigation para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
Magkakaroon aniya ng pagkakataon ang suspek na sa korte na magpaliwanag.
Magugunitang ipinag-utos ni PNP OIC Chief, ang pag aresto sa SUV driver na sumagasa sa security guard nuong June 5,2022 kasabay ng pagpapalabas ng lookout bulletin ng DOJ bagamant wala pang warrant of arrest na inilalabas ang korte.
May basehan umano ang utos ni Gen Danao napag aresto dahil ito ay isang continuing crime.
Una ng sinampahan ng kasong frustrated murder and abandonment of one’s own victim ng Mandaluyong Police si San Vicente. Ang insidente sa Mandaluyong nuong June 5 ay pang limang kaso na ng suspek.
Batay sa records ng LTO tatlong beses ng nahuli si San Vicente dahil sa kasong reckless driving nuong 2010,2015 at 2016. (VICTOR BALDEMOR)