Latest News

Nakaparadang truck, binangga ng motorsiklo; rider, patay

ISANG motorcycle rider ang patay nang mabangga nito ang isang nakaparadang truck sa Tondo, Manila nitong Lunes ng gabi.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Jude de Guzman, 27, at residente ng 269 Osmeña St., Tondo, Manila dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa ulat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District (MPD)-Traffic Enforcement Unit, dakong alas-10:40 ng gabi nang maganap ang aksidente sa southbound lane ng Mel Lopez Boulevard, malapit sa kanto ng Chesa Street sa Tondo.


Nakaparada umano sa lugar ang isang tractor head na may trailer na may plate number na NAS- 9463 at minamaneho ni Marvin Bagnol, 38, ng Rodriguez, Rizal, nang bigla na lang umanong salpukin ng Yamaha Mio motorcycle I na minamaneho naman ni de Guzman, ang likurang bahagi nito.

Sa tindi ng impact nang pagkakabangga ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktima na nagresulta sa agaran nitong kamatayan. (Carl Angelo)
DOH: Pagbaba ng COVID-19 cases dahil sa mataas na vaccination rate
Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na ang pagbaba ng mga naitatalang bagong bilang ng COVID-19 cases sa bansa ay dulot ng mataas nang vaccination rate at hindi dahil sa mababang testing rate.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaasahan na nilang bababa ang severe at critical cases ng COVID-19 dahil nasa 72% na ng eligible population ng bansa ang bakunado na ngayon laban sa virus.

“The number of cases are going down. All of the regions have minimal case classification. Positivity rate is all below 5%. So meaning, cases are really declining and we are also saying that it’s all because of the vaccines as well,” aniya sa isang panayam sa telebisyon.


Batay sa pinakahuling tala ng DOH, kabuuang 2,726 bagong kaso ng sakit ang naitala nila mula Marso 21 hanggang 27.

Mas mababa ito ng 24% kumpara noong nakaraang linggo.

Sa mga bagong kaso, wala ring natukoy na severe o kritikal.

“If we look at our testing right now, our laboratories are saying that really, cases or the number of individuals going to them to be tested are declining or being reduced tremendously compared from January to March,” aniya pa, nang matanong kung maaaring dulot ng mababang testing rate ang pagbaba ng mga kaso ng sakit.


“It’s not less testing, cases are declining,” aniya.

Gayunman, kinilala rin ni Vergeire ang posibilidad na may mga taong gumagamit na lamang ng antigen home test kits upang alamin kung positibo sila sa virus o hindi. (Philip Reyes)

Tags:

You May Also Like

Most Read