Naghanap ng away, kalaboso

KALABOSO ang inabot ng isang 39-anyos na sidecar boy matapos na ireklamo nang maghanap ang away at ipanakot ang kanyang dalang baril nitong Linggo ng gabi sa panulukan ng Claro M.Recto at Dagupang St., Tondo, Maynila.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions) in Relation to Omnibus Election Code ang auapek na si Joel Barnido Y Lugos , ng 1447 Juan Luna St., Tondo.


Ayon kay P/ Lt.Col.Harry Ruiz Lorenzo lll, Commander ng MPD- Police Station 2 , alas -8:30 ng gabi nang bitbitin ang suspek ng mga nagrespondeng pulis.

Nabatid na isang concerned citizen ang nagreklamo sa presinto dahil sa ginagawang paghahamon ng away ng suspek habang hawak ang isang kalibre.38.

Nagresponde naman sina P/ Cpl.Larry Viray at Pat.Darius Astoveza at hindi muna umano lumapit ang dalawa at tinignan muna ang galaw ni Barnido. Nang matiyak na kalmado na ito, nilapitan na ito ng mga pulis saka ito kinapkapan hanggang sa makitaan ng baril sa kanyang baywang.


Dinala sa presinto ang suspek para sa pagsasampa ng demanda laban sa kanya. (Philip Reyes)


Tags: MPD- Police Station 2

You May Also Like