MTPB enforcer, inatake sa kasamang 13-anyos na dalagita sa hotel

PATAY ang isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos atakehin kasama ang isang 13-anyos na dalagita sa loob ng isang motel, kahapon ng madaling araw sa Antonio Rivera Street,Tondo, Maynila.

Wala ng buhay nang abutan ng hotel staff at nag respondeng tauhan ng Manila Police District-Police Station 2 , ang biktimang 46-anyos, ng Tondo, Maynila.


Naganap umano ang insidente alas- 2:20 ng madaling araw sa loob ng Meaco Hotel.,Rm.238 Antonio Rivera.St.Tondo,Maynila.

Nalaman sa mga nagrespondeng sina ,PSSg Fajardo, PCpl De Mesa at PCpl Magsila ng Bambang Outpost ng MPD-PS2 na huli umanong nakitang buhay ang biktima na kasama ang 13-anyos na dalagitang estudyante na taga-Tondo din.

Inireklamo umano ng dalagita sa hotel staff na nahihirapan umanong huminga ang biktima at nang puntahan ng hotel.staff sa kuwarto ay nakitang wala nang buhay ang biktima, dahilan para itawag ito sa Bambang Outpost.


Dinala naman ang bangkay sa funeral homes para sa kaukulang awtopsiya. (Carl Angelo)


Tags: Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB)

You May Also Like