MPD-HELPER SINITA SA PAG-IHI SA KALYE, NANULAK NG PULIS

By: Carl Angelo

DAHIL sa pagpalag nang sitahin siya sa pag-ihi sa pampublikong lugar sa Baseco Compound, Port Area, Manila, madaling araw ng Miyerkules kung saan itinulak niya pa ang pulis na sumita sa kanya, sa kulungan bumagsak ang isang 27-anyos na helper nang matuklasang may bitbit pala itong sumpak.

Isasailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutorโ€™s Office ang suspek na kinilalang si James Orejas, tubong Siargao, at residente ng Block 15A, Brgy. 649 Baseco Compound, Port Area, sa reklamong paglabag sa City Ordinance RO 1054 (Urinating in Public Place), RPC Art 151 (Resistance and disobedience to a Person in Authority) atRepublic Act 10591 (ComprehensiveFirearms and Ammunition Regulation Act.


Ayon sa ulat ng Police Station 13 ng Manila Police District (MPD), dakong alas 12:05 ng madaling araw ng Abril 19, 2023 nang matiyempuhang umiihi ang suspek sa Block 15 Stagging Area, sa Barangay 649, Baseco ng mga tauhan ngTactical Motorcyle Unit (TRU) habang nagsasagawa ng Oplan Galugad.

Nang sinita ang suspek ay biglang itinulak nito si P/Corporal Michel Javier at tumakbo sa direksyon ng Baseco beach.

Hinabol siya ni P/Cpl Hyatt Corsino hanggang sa makorner ito at doon na natagpuan sa kanyang pag-iingat ang isang improvised handgun na may kalibre 9mm na bala.


Tags: Manila Prosecutorโ€™s Office

You May Also Like

Most Read