Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Makati City Police Station, Tracker Teams ang isang ‘most wanted person’ sa isang operasyon sa Barangay Dela Paz, Pasig City.
Ayon sa Southern Police District (SPD) ang nasabing suspect na kinilalang si alias Julius, 36, ay nahaharap sa kasong syndicated illegal Recruitment at estafa.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Intelligence Section (IS) sa ilalim ng pamumununo ni Chief of Police. PCOL. Pedro Alagano, Jr. ng Makati City Police Station.
Ang pag-aresto sa akusado ay isinagawa sa bisa ng dalawang warrant of arrest, isa para sa Paglabag sa section 6 ng Republic Act 8042 (Syndicated Illegal Recruitment) na inisyu noong Marso 27, 2026, ni Hon. Divina Gracia Lopez M Peliño, Presiding Judge ng RTC Branch 231, Pasay City, na walang inirekomendang piyansa.
Ang isa pang warrant ay para naman sa two counts ng estafa na inisyu noong Marso 31, 2026, ni Hon. Jose Janello A Covarrubias, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court Branch 47, Pasay City, na may inirekomendang piyansa na P18,000.
Ang naarestong suspect ay dinala sa police station para sa dokumentasyon habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant mula sa korte. (Tony Gildo)














