MMDA traffic enforcer, pina-aresto ng chatmate

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District Anti- Cybercrime Team ang isang traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority ( MMDA) matapos na ireklamo ng kanyang ka- chatmate sa entrapment operation kamakalawa sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Ronnie Javier Jr, ng F. Enriquez St.Panghulo, Obando Bulacan.


Nabatid kay PMajor Reynaldo Salim, team leader ng MDACT, nagtungo sa kanilang tanggapan ang estudyanteng si Bella, di tunay na pangalan, 21 at residente ng Sampaloc,Maynila, matapos pagbantaan ng suspek na ikakalat sa social media ang kanyang mga hubad na larawan

Kaagad namang nakipag-ugnayan si Salim kay PMajor Arvin Cresencia ng Northern District Anti- CyberCrime Team upang ilatag ang entrapment operation.

Alas- 3: 20 ng hapon nang isagawa ang entrapment sa harap ng Mercury Drug Store sa Bonifacio Monument Circle sa EDSA, lungsod ng Caloocan.


Nakatayo umano ang biktima nang lapitan ng suspek at dito na siya dinamba ng mga pulis at saka pinosasan.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 286 – Grave Coercion ng Revised Penal Code at Republic Act 9995 – Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 na parehong may relasyon sa Sec. 6 ng RA 10175 o mas kilala sa “Cybercrime Prevention Act of 2012”,ang suspek.


Narekober kay Javier ang isang MMDA Identification Card , Philhealth Identification Card, UMID Identification Card, Pag Ibig Identification Card , cellphone na Samsung S2 at Redmi Note8, isang condom at dalawang piraso ng discount card ng Sogo Hotel. (Carl Angelo)


Tags: Metro Manila Development Authority (MMDA)

You May Also Like