Latest News

MIDDLEMAN SA LAPID SLAY CONTRACT, DAPAT PROTEKSYUNAN

TINITIYAK ng pamunuan ng Philippine National Police na mabibigyan ng sapat na proteksyon ang kinilalang “middleman” na sinasabing nagbigay ng utos para itumba ang hard hitting radio broadcaster na si Percy “Lapid” Mabasa.

Sa follow-up investigation ng binuong Lapid SITG (Special Investigation Task Group) at base sa salaysay ng sumukong alleged gunman na si Joel Escorial ay natukoy na ang pagkakakilanlan ng sinasabing middleman at kung saan ito nakakulong sa Metro Manila dahil sa kasong may kaugnayan sa droga.

Sa isang panayam ay inihayag ni Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia, officer in charge of the Philippine National Police Office of the Deputy Chief for Administration na nakipag-koordinasyon na ang Special Investigation Task Group sa jail facility para ma-secure ‘yung taong tinutukoy.


Hindi muna pinangalanan ang tinutukoy na tao at kung saan ito nakakulong dahil kasalukuyang nagsasagawa pa ng mga follow-up operation ang mga pulis.

Hindi rin umano itinuturing ng PNP na ang sinasabing middleman ay siya nang utak sa pagpatay kay Percy Lapid dahil posibleng ito ang maging susi sa pagtukoy sa tunay na mastermind sa Lapid slay case o baka may ibang layer pa umanong dinaanan ito bago nakababa kina Escorial ang kontrata ng pagpatay.

“Kung alam na po ng ating mga task force, yung SITG yung investigators natin yang exact location, ay hindi rin po natin pwedeng sabihin kasi nga po maje-jeopardize yung ating ongoing operation,” ani Ltgen Sermonia.

Magugunitang mismong si Roy Mabasa, kapatid ni Percival Lapid, ay nagpahayag na base sa kanyang pakikipag-usap sa alleged gunman na si Joel Escorial, ito ay inupahan para iligpit si Percy Lapid ng isang middleman na nasa “Bilibid.”


Magugunitang may tatlong taong kinilala si Escorial na kanyang accomplice kabilang ang isang alyas ‘Orly’ at dalawang magkapatid.

Sakaling mapatunayan umano ang papel na ginampanan ng sinasabing middleman ay ituturing nila itong panibagong kaso.

“We do our best para as soon as possible ma-solve itong kaso na ito,” anang heneral. (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like

Most Read