Latest News

Mga ralyista, sumugod sa PICC

SUMUGOD ang may 200 miyembro ng iba’t- ibang militanteng grupo sa tanggapan ng Commission on Election(Comelec) kahapon ng umaga sa PICC kung saan ginagawa ang opisyal na bilangan ng balota para sa senatorial at partylist race.

Bago nagpunta sa PICC, nanggaling muna ang grupo sa Liwasang Bonifacio kung saan alas 8:40 ng umaga nagtipon- tipon para i-protesta, ang pagka panalo ni President-elect Ferdinand “Bong-bong” Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte.

Kabilang ang grupong Kilusang Mayo Uno(KaMU),.Bayan,Gabriela,Migrante,Anapawis, ACT teachers,SELDA, at iba pa.


Sa bitbit nilang mga tarpaulin nakasaad ang ” No to Marcos-Duterte”,” No to electoral fraud”,”Reject Marcos,Duterte”,”Itakwil ang maduming halalan” at iba pa.

Sakay umano ng ilang bus may plakang ABH 1308 a PW9O 109, ang mga ralyista ng umalis sa Liwasang Bonifacio.

Mapayapa naman nilisan ng militateng grupo ang lugar pasado alas 12 ng tanghali.

Una nang sinabi ni Manila Police District Director PBGen Leo Francisco na pinapayagan lamang na makapagsagawa ng rally ang mga.militanteng grupo sa mga freedom park.


Gayundin,sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno”Domagoso na mahigpit na ipatutupad sa Maynila ang ,,”No permit,No rally policy.

Tags: Commission on Election(Comelec)

You May Also Like

Most Read