Latest News

Sina Mayor Honey Lacuna at City Administrator Bernie Ang sa isang pagpupulong sa Harbor View Restaurant matapos dumalo ng alkalde sa "MACHRA's Balitaan" news forum na inorganisa ng Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA) at ginanap sa parehong lugar. (JERRY S. TAN)

MGA KATRABAHO SA CITY HALL, PINASALAMATAN NI MAYOR HONEY SA TAGUMPAY NG KANYANG UNANG TAON BILANG ALKALDE

By: Jerry S. Tan

Kinilala, ipinagmalaki at labis na pinasasalamatan ni Mayor Honey Lacuna ang tulong at suporta ng kanyang mga kapwa opisyal at katrabaho sa Manila City Hall

Ayon kay Lacuna, napakalaking tulong para sa kanya ang kanyang mga kasamahan sa trabaho upang magampanan ang kanyang tungkulin at maging matagumpay ang kanyang unang taon ng panunungkulan bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila.


“I am very fortunate that I am surrounded with people na may parehong vision kagaya sa akin. That made my job a lot easier… pare-pareho ang tono namin at ang gustong mapuntahan in the future kaya di po mahirap para magawa namin little by little ‘yung mga gusto namin for the city of Manila. Hindi po sila nahirapang makita ‘yung vision na nasa isip ko kasi ganun din sila… it was easiest to convey to my co-public servants kung ano ang gusto naming mangyari in the years to come,” pahayag pa ni Lacuna, nang dumalo sa Balitaan sa Harbor View ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA).

Nagpasalamat rin naman ang alkalde sa pribadong sektor dahil sa kanilang kontribusyon sa lungsod at tiniyak na patuloy na ilalagay sa mabuting gawain ang lahat ng mga tulong na ipinagkakaloob sa kabisera ng bansa.

Samantala, aminado naman si Lacuna na ang naging pinakamahirap na hamon sa kanyang unang taon sa panunungkulan ay kung paano ang kumawala sa anino ni dating Manila Mayor Isko Moreno, at patunayan sa mga Manilenyo na hindi sila nagkamali ng ibinoto.


“‘Yung mapatunayan sa aking mga kababayan na hindi sila nagkamali sa pagbibigay ng tiwala sa akin was the biggest challenge at ‘yung mawala ako sa shadow ng sinundan ko pong alkalde,” aniya.

“Alam naman nating napakalaki ng ginawang pagbabago ng ating alkalde na si Mayor Isko pero siguro, dahil na din sa binigyan niya ako ng pagkakataon nung ako ay Vice Mayor, sa aking maliit na naiambag nuong panahon ng pandemya bilang doktora ay nabigyan ako ng pagkakataon na mag-shine at ito ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na kung ‘yun ay kinaya ko, mas kakayanin ko ang mas malaking responsibilidad,” aniya pa.


Matatandaang ang unang taong anibersaryo ni Lacuna bilang Manila Mayor ay ginugol niya sa paghahatid ng serbisyo ng City Hall sa mga residente ng Sampaloc, kung saan siya nagsimula ang kanyang political career bilang fourth district Councilor.


Tags: City Administrator Bernie Ang, Mayor Honey Lacuna

You May Also Like