Sunod-sunod nang nahuhuli ng pest control personnel ang mga daga na gumagala sa ilang pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) spokesperson Chris Bendijo, kasunod na rin ito ng pagkakahuli ng isang daga sa pamamagitan ng sticky traps sa NAIA 3 at pagpapakalat ng mga karagdagang mouse traps at malagkit na bitag para hulihin ang mga nasabing peste sa [aliparan.
Ikinatuwa naman ng pamunuan ng MIAA ang ginagawang aksyon ng service provider na Pest Control Services upang maging ganap na mouse-free ang NAIA terminals.
Una nang nagbigay ng direktiba si MIAA General Manager Eric Ines na repasuhin ang kontrata ng pest control service provider kung nagagampanan ba nilang mabuti ang kanilang tungkulin para panatilihing malinis ang mga pasilidad ng NAIA mula sa mga peste.
Ikinabahala umano ni Ines ang mga naglalabasang ulat kaugnay ng surot, ipis at daga na nag-viral sa social media.