Latest News

Inaanyayahan ni Mayor Honey Lacuna ang mga taga-Maynilan na dumalo sa mega job fair na gaganapin sa Arroceros sa January 27, 2023. (JERRY S. TAN)

Mega job fair sa Maynila

Inianunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila na magsasagawa ito ng ‘Mega Job Fair’ sa Biyernes,Enero 27,2023 sa Arroceros Forest Park sa Ermita, Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna,ang job fair ay gaganapin mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

“Maraming salamat po sa ating PESO at DOLE sa pakikiisa sa ating hangarin na mabigyan ng oportunidad na makapaghanapbuhay ang bawat Manilenyo,” ayon kay Lacuna.


Tiniyak ng alkalde sa mga Manilenyo na ginagawa nila ang lahat para sa paglikha ng trabaho maging para sa mga senior citizen.

Samantala,ayon kay public employment service office (PESO) head Fernan Bermejo ,ang lahat ng intresadong ‘jobseeker’ o aplikante ay maaring magrehistro sa link na: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdcio5ILTQyPnLOWWJLvIr1AsziJbAZ1SyI9rIN2bonW1ChGw/viewform.


Hindi na umano kailangan na hintayin pa ang tawag mula sa lokal na pamahalaan at ang kinakailangan lamang ay i-screenshot ang confirmation page sa Google form.

Ang mga aplikante ay pinapayuhang magdala ng hanggang 10 kopya ng kanilang resume , itim na ballpen at magsuot ng semi-casual attire. (JERRY S. TAN)


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read