PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagtatapos ng may 400 na kumuha ng iba’t-ibang kurso mula sa Manila Manpower Development Center (MMDC) na sponsored ng pamahalaang lungsod.
Ayon sa alkalde, ang mga kursong natapos ng mga nasabing graduates ay pawang ‘in demand; sa ngayon at inaasahang ito ang babago sa kanilang buhay tungo sa kasaganahan.
Sa kanyang mensahe sa mga graduates, sinabi ng alkalde na masaya siya dahil ang ilan sa mga nagsipagtapos ay magiging bahagi na ng lokal na pamahalaan at makakatulong na sa progreso nito.
Binalikan ni Lacuna ang panahon na dati siyang hepe Manila department of social welfare, at sinabing ang pinakapaborito niya ay ang mga graduates ng manpower.
“Bakit? Kasi, napakarami pong guma-graduate nang sabay-sabay at in fact, ginagawa namin dati ito sa Rasac dahil sa dami, hanggang natigil po ang training nang dahil sa pandemya,” sabi ni Lacuna.
‘Yung mga ibinibigay nating kurso under manpower ay mga in demand ngayon kaya di po kayo nagkamali,” she added, noting that most of the graduates have finished college and yet wanted additional skills and knowledge in the belief that it will help them fasten their lives’ improvement.
“Maaring mga simpleng kurso lamang ito pero saan ba nagsisimula ang lahat ng kumplikado kundi sa simple? Kung pnagbuti mo ang iyong paga-aral, kahit mga simpleng kurso lamang at ito ay iyong napalago, sigurado ako magtatagumpay at magtatagumpay ka. Kailangan lang po diyan, tiyaga at tiwala,” pagbibigay diin ng alkalde.
Hinikayat din nya ang mga graduates na ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga bagong kaalaman at samantalahin ang mga iaalok na libreng kurso ng pamahalaang lungsod sa hinaharap.
Itinuturing ni Lacuna ang mga graduates na assets ng lokal na pamahalaan, dahil kapag maraming tao ang na-trained mas bentahe ito sa lungsod dahil ang mga trainees ang siyang magsisilbing manpower ng lungsod.
Pinasalamatan ng lady mayor si Manila department of social welfare chief Re Fugoso, TESDA at ang mga trainors na tumulong sa pagsasanay ng nga bagong graduates, at umaasa siya na magagamit nila ito sa hinaharap at maibabahagi sa iba ang kanilang natutunang kaalaman at maaaring ang iba ay magtatrabaho rin sa local government unit.
Ipinaliwanag ni Fugoso na ang mga graduates ng Manila Manpower Development Center (MMDC) ay kumuha ng regular courses tulad ng : baking, barista, bedsheet, pillow case making, cooking and food processing, curtain making, food and beverage services, hairdressing, housekeeping, massage therapy, throw pillow making at unisex haircutting.
Dagdag pa ni Fugoso na ang MMDC ay isang institusyon sa ilalim ng Department of Social Welfare na layuning lumikha ng industriya ng mga skilled workers at entrepreneurs sa pamamagitan ng mga kaugnay na serbisyo para sa mga disadvantaged families, out -of- school youths, persons with disability at hindi masyadong pinalad na mga Manileños na nakatira sa lungsod.
Ang MMDC ay nagbibigay ng skills training programs sa mga larangan kung saan may mataas na demand para sa trabaho, may mataas na potensyal para sa business opportunities at may malaking pakinabang para sa mga Manileños na may adhikaing maabot ang socio-economic na pagbabago sa mga indibidwal at pamilya sa pamamagitan ng magandang trabaho at kabuhayan at upang mabigyan din sila ng pagkakataon na makapagsimula ng sariling negosyo.
Ang MMDC ay 35 taon na ngayon simula nang itatag ito noong September 11, 1981 at patuloy na nagbibigay libreng skills at livelihood trainings sa kabila ng pandemya. (JERRY S. TAN)