Latest News

Ang ilan sa mga teachers sa Aurora A. Quezon Elementary School habang nagpapa-selfie kay Mayor Honey Lacuna. (JERRY S. TAN)

MAYOR HONEY, PINANGUNAHAN ANG MAYNILA SA PAGPAPASALAMAT AT PAGDAKILA SA MGA GURO

By: Jerry S. Tan

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lungsod ng Maynila sa pagpapasalamat at pagbibigay- karangalan sa lahat ng mga guro kaugnay ng pagdiriwang ng National Teachers’ Day.

Binigyang-diin ni Lacuna na ang mga guro ang may natatanging ambag at sakrispisyo sa paghubog sa kinabukasan ng bansa upang ito ay magkaroon ng matatag na pundasyon sa pamamagitan ng mga natututong kabataan.


Bilang mga ‘educators’, sa kanilang mga balikat nakaatang ang responsibilidad sa pagpapaunlad ng kinabukasan ng mga lider ng bansa sa lahat ng aspeto.

“I call on everyone to salute our teachers not only during National teachers’ Day but everyday. Our teachers do not only contribute to the development, knowledge and skills of their students. They also contribute to the moral framework of all our youth who carry their learnings up to the time they become adults and later pass this on to the young,” pahayag ni Lacuna.

Sinabi ng alkalkde na hindi pupwedeng pasubalian na napakahalaga ng mga guro dahil sa papel na kanilang ginagampanan bilang taga-hubog ng mga mag-aaral upang ihanda sila sa mga kakaharapin at upang magkaroon sila ng mas magandang kinabukasan at matupad nila ang kanilang mga ambisyon sa buhay.


Kaugnay niyan ay nanawagan din si Lacuna sa mga magulang ng mga mag-aaral na gamitin ang okasyon para pasalamatan ang mga guro na nagsisilbi bilang pangalawang magulang sa kanilang mga anak.

Dahil ang National Teachers’s Day ngayong taon ay pumatak sa Sabado, nanawagan si Lacuna sa mga estudyante na gawin pa rin espesyal ang okasyon sa pamamagitan ng pagbati at pagpapaabot ng pasasalamat sa kanilang mga guro pagbalik ng pasukan sa Lunes, dahil aniya, ang maliliit na bagay gaya ng pag-alala sa kanila ay mahalaga rin para sa mga guro.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like