Latest News

Ang "Kapitan Ligtas: Dengue Fighter" mobile app na maari nang mai-download sa mga cellphone para mabigyan ng kaalaman ang mga residente ukol sa dengue. (JERRY S. TAN)

MAYOR HONEY, NAGLUNSAD NG MOBILE APP PARA LABANAN ANG DENGUE

By: Jerry S. Tan

NAGLUNSAD ang pamahalaang-lungsod ng isang makabago at nakalilibang na paraan para malabanan ang sakit na dengue.

Ito, ayon kay Mayor Honey Lacuna, ay sa pamamagitan ng isang mobile app na maaring i-download sa android phones, ang “Kapitan Ligtas: Dengue Fighter” na inisyatibo ng Manila Health Department (MHD) sa pamumuno ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan.

Kaugnay nito ay inaanyayahan ni Lacun ang lahat ng residente ng Maynila na i-download ang “Kapitan Ligtas: Dengue Fighter” sa kanilang cellphones sa pamamagitan ng Google/play store at ito ay libre.

Si Kapitan Ligtas ay ang mascot ng MHD na nagtuturo sa mga residente kung paano iwasan ang mga sakit at kung ano ang gagawin kapag may sakit.

Ang naturang laro ay ipinakilala ni Pangan upang makuha ang atensyon at interes ng mga mamamayan ng Maynila lalo na ng mga kabataan.

Ayon kay Pangan, sa kasalukuyan ay available na ang App sa android phones at inaasahang sa mga susunod na Linggo ay magiging available na rin ito sa IPhones.

“Samahan ninyo si ‘Kapitan Ligtas’ sa sukdulang labanan laban sa dengue. Pinagsasama ng kapana-panabik na offline na larong ito ang puno ng aksyon na ‘gameplay’ na may mahalagang pang-edukasyon na nilalaman upang matulungan kang matutunan kung paano pigilan ang pagkalat ng dengue,” saad ni Pangan.

Sinabi naman ni Lacuna na ang ideya ng paglikha ng mobile app “Kapitan Ligtas” ay bunsod na din na halos lahat ng Pilipino ay nakatutok halos ng buong araw sa celphone at dahil tag-ulan na ay inaasahan ang pagtaas ng kaso ng dengue.

Idinagdag pa nito na dinisenyo ang laro para makuha ang interes ng publiko lalo na ng mga kabataan na mas ‘prone’ sa dengue dahil sa hindi sinasadyang kapabayaan.

“Apart from being enjoyable, the mobile game teaches the player about dengue and how to repel the mosquitoes that bring about the dreaded illness,” aang alkalde.

“Para din po sa mga anak at apo kasi very educational ang laro o app na ito, kung saan makkita po kung paano nilalabanan ni Kapitan Ligtas ang lamok na may dalang dengue,” pahayag pa ni Lacuna.

Tags:

You May Also Like

Most Read