Si Mayor Honey Lacuna nang maglabas ng advisory ukol sa pamamahagi ng Pfizer bivalent vaccines. (JERRY S. TAN)

MAYOR HONEY, NAGLABAS NG VACCINATION ADVISORY PARA SA BIVALENT

By: Jerry S. Tan

NAGPALABAS si Manila Mayor Honey Lacuna ng vaccination advisory para Pfizer bivalent vaccines.

Sinabi ni Lacuna na ang pagtuturok ng nasabing bakuna bilang first, second at third booster ay awtorisado na ng Department of Health (DOH).

Ayon sa advisory, ang Pfizer bivalent vaccines ay ibibigay sa mga indibidwal na edad 18-anyos pataas, bahagi ng A1 (healthcare workers), pinalawig na A1 at A2 (senior citizens), A3 (with comorbidities) at pinalawig na A3 (buntis at nagpapasusong ina) kung saan ay nakalipas na ang apat na buwan bago ang huling bakuna o dose.


Sinabi ng alkalde na ang lahat ng interesado at kwalipikadong indibidwal ay maaaring magtungo sa kahit na saang 44 health centers sa Maynila mula Lunes hanggang Biyernes, 8 a.m. hanggang 5 p.m.

Pinayuhan ang mga gustong magpaturok ng bivalent vaccine na dalhin ang kanilang identification card, proof of vaccination o vaccine card at medical clearance kung sila ay immunocompromised.

Para naman sa record ng lungsod, ang mga magpapabakuna ng bivalent ay nire-require na magparehistro sa http://www.manilacovid19vaccine.ph.

Batay sa pinakahuling monitoring ay may naitalang 38 na bagong active cases ng COVID-19 sa Maynila hanggang nitong July 28,2023 lamang.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read