(ikalawa mula kaliwa) Si Mayor Honey Lacuna habang inaasistihan ni barangay chairperson Evelyn de Guzman sa pamamahagi ng mga bigas na makikita sa kanang larawanpara sa mga dumalo sa 'Kalinga sa Maynila" yesterday, her way of celebrating her one year anniversary in office. (JERRY S. TAN)

MAYOR HONEY, IPINAGDIWANG ANG FIRST YEAR ANNIVERSARY NG PANUNUNGKULAN KASAMA ANG MGA TAGA-SAMPALOC

By: Jerry S. Tan

IPINAGDIWANG ni Mayor Honey Lacuna ang kanyang unang taong anibersaryo bilang punong-lungsod ng Maynila sa piling ng mga residente mula sa limang barangay sa Sampaloc sa pamamagitan ng kanyang “Kalinga sa Maynila” forum kung saan dinala rin niya ang mga pangunahing serbisyo ng City Hall mismo sa mga komunidad.

Ginugol ni Lacuna ang kanyang araw sa mga residente ng Barangays 535, 545,547, 553 at 554 sa Sampaloc, sa pamamagitan ng “Kalinga sa Maynila (Pulong-Pulong sa Pagtulong” . Ang nasabing barangay forum ay isa o dalawang beses ginagawa kada linggo kung saan ibinababa mismo ni Lacuna ang mga serbisyo ng City Hall sa mga barangay.


Tulad din ng mga nakaraang forum ay sinama ni Lacuna ang grupo ng mga opisyal mula sa Department of Social Welfare sa pamumuno ni Re Fugoso, Office of Senior Citizens’ Affairs sa ilalim ni Elinor Jacinto, Engineer’s Office sa pamumuno ni Engr. Armand Andres at maging ang Manila Police Department sa ilalim ni District Director PBGen. Andre Dizon, para ang lahat ng ‘areas of concern’ ng mga residente na may kaugnayan sa mga nasabing tanggapan ay personal na maaksyunan kaagad. Ang mga nasabing tanggapan umano ang madalas na pinupuntahan ng mga residente sa City Hall.

Sa kanyang pagdalo sa ‘MACHRA’s Balitaan sa Harbor View’ nitong Huwebes na inorganisa ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), sinabi ni Lacuna na itinuturing niya ang “Kalinga sa Maynila” program bilang ‘best highlight’ ng kanyang isang taong gulang na pamamahala sa lungsod.

“Through our Kalinga sa Maynila, we were given an opportunity to to down to the grassroots and hear the sentiments of our kababayans directly,” aniya, kasabay ng pagsasabing nagsimula ang forum sa pakikipag-meeting sa piling grupo lamang na binubuo ng mg barangay officials at nang binago niya ang format upang isama ang mismong mga residente…mas nadidinig namin sila, hindi edited, hindi scripted. Kung may tatamaan or kung may pangit sa ginagawa namin, naririnig namin at nai-improve ang services namin,” pahayag ni Lacuna.


Sinabi pa ni Lacuna na noong nagsisimula ang forum nila, ang madalas na reklamong kanilang natatanggap ay tungkol sa senior citizens’ allowances.

“Ngayon, halos wala na. Ang problema na lamang ng mga senior citizen ay pagpapalit ng napupunong senior booklet. At least naririnig ng mga department heads at mga kawaning kasama ang hinaing ng tao first-hand kasi, reflection ‘yan ng department nila at ng entire government of Manila,” pahayag ni Lacuna. Umabot na sa 43 barangay ang napagdausan ng nasabing forum ni Lacuna, mula sa 896 barangays sa lungsod.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Latest News