Latest News

Mass for World Peace

PANGUNGUNAHAN ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, ang isang Mass for World Peace and Ukraine ngayong linggo sa Our Lady of Fatima Parish sa.Mandaluyong.

Ayon kay Parish priest Rev. Fr. Carlos Reyes, ang misa ay isasagawa alas-5 ng hapon.

Iaalay ang misa para sa pagkakaisa, kapayapaan sa mundo at para matapos na ang nagaganap na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.


Ang tema para sa Eucharistic celebration ay ‘Pray the Rosary for World Peace and Conversion of Russia’ para ipanalangin ang intercession ni Mama Mary at sa kaligtasan ng lahat nang mga naiipit sa digmaan at panalangin para sa katapusan ng coronavirus pandemic.

Ang misa ay isasagawa live stream sa pamamagitan ng parish facebook page. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read