Manila,mawawalan ng tubig – Maynilad

Inaasahan na magkakaroon ng water interruptions ang West zone concessionaire dahil sa nadiskubreng “major pipe leak”.

Inabisuhan ng Maynilad Water Services Inc. ang mga concessionaire na mag-ipon ng tubig dahil tatagal ang repair sa tubo ng ilang araw.


Ang tagas sa tubo ay mula sa 2,200 millimeter diameter primary line na matatagpuan sa pitong metrong lalim sa may panulukan ng Osmeña Highway at Zobel Roxas sa Maynila.

Ayon sa Maynilad, kinakailangan pa umanong hukayin ang lugar para matiyak kung gaano kalaki ang sira at aabutin ito ng ilang araw bago tuluyang magawa.

“Maynilad will announce the schedule of service interruptions and the specific affected areas prior to implementation of the pipe repair so that affected customers can prepare,” base sa advisory ng Maynilad.


Itinaya ng Maynilad na nasa 20 hanggang 30 milyon litro ang water loss recovery sa sandaling matapos ang pagkukumpuni.

“We want to implement the leak repairs as soon as possible, since repairing it will help to significantly improve service levels in the area,” ayon kay Supply Operations Head Engr. Ronaldo Padua.


Una nang sinabi ng Maynilad na target nila ngayong buwan na huwag magkaroon ng water interruptions na may normal na water pressure na 88% sa kanilang mga customer hanggang matapos ang 2023 at sa lahat ng kanilang mga customer bago matapos ang 2027.

Magugunita na inaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) noong nakaraang taon ang pagtaas ng P3.29 kada cubic meter water rate adjustment simuka Enero. (Jaymel Manuel)


Tags: Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS)

You May Also Like