May inaasahang malaking ebidensiya na lalabas sa susunod na 10 araw para sa 34 nawawalang sabungero.
Ito ang pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa kaso ng nawawalang sabungero.
Sa kabila umano na mahirap ang pangangalap ng ebidensiya at ang agarang pagtukoy sa posibleng mastermind sa krimen, mayroon aniya silang inaasahang mahalagang “breakthrough” sa kaso ng mga ito sa susunod na 10 araw.
“Sabi ko nga, the evidence is very important… We have to build the cases properly for them to thrive in a court of law” ayon kay Remulla.
“The standards are very clear to us lawyers on the iota of evidence needed to convict somebody of a crime so it’s really more of evidence gathering, that I’m asking them to be patient with because it’s not easy to gather the evidence here. But I was just telling them earlier there will be breakthroughs and I think we have one breakthrough coming in the next 10-days…significant siya,” dagdag pa ni Remulla.
Nabatid na.muling nakipagpulong kay Remulla ang mga kaanak ng 34 na nawawalang sabungero.
Kabilang sa mga napag-usapan ang naunang pahayag ni Remulla nang sabihin nitong posibleng mga patay na ang pinaghahanap na sabungero na ikinasama ng loob ng mga pamilyang naghahanap ng kanilang nawawalang kaanak.
Nagkaroon naman ng malaking pag-asa ang mga kaanak ng nawawalang sabungero na makakamit nila ang hustisya sa kanilang nawawalang kaanak. (Philip Reyes)