Latest News

Maingay na palaboy, tinusok ng adik, patay

By: Baby Cuevas

Agad na nasawi ang isang palaboy matapos na saksakin ng isang ‘adik’ na naingayan umanp sa kanya,kamakalawa ng gabi sa Block 1,Gasangan, Baseco Compound , Port Area, Maynila

Kinilala ni PCapt Dennis Turla,hepe ng Manila Police District -homicide section,ang biktimang si Romeo Raneses, nasa edad 45-50 at walang permanenteng tirahan.

Arestado naman sa isinagawang follow-up operation ang suspek na si Adrian Lopez , 33 at residente ng Block 1 Gasangan, Barangay 649, BASECO Compound, Port Area, Maynila.


Sa imbestigasyon, napag-alaman na nagalit ang suspek sa biktima dahil sa pagiging maingay nito kaya kumuha ito ng patalim at pinagsasaksak ang biktima na kaagad na namatay.

Palaboy umano sa lugar ang biktima habang adik naman sa shabu ang suspek.


 

 


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read