Mahigit 1,000 sako ng basura, nahakot sa Manila Bay

Umabot sa mahigit na 1,000 sako ng basura ang nahakot ng daan-daang volunteers sa isinagawang ika- 37th International Coastal Cleanup Day sa baybayin ng Manila Bay kabilang ang Dolomite Beach sa Roxas Blvd., Maynila.

Kasama sa mga nahakot ng mga volunteers mula sa mga non-government organizations at ahensya ng pamahalaan ang mga plastic sachet ng iba’t- ibang produkto, tsinelas, plastic bags at iba pang hindi nabubulok na basura.

Ayon sa Philippine Coast Guard na nag-umpisa ang coastal clean-up alas-6 ng madaling araw at nagtapos ng alas-9 ng umaga noong Sabado.


Isinasagawa ang International Coast Cleanup Day tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre para pataasin ang kamalayan sa lumalalang problema sa basura na nakakaapekto sa mga dalampasigan at iba pang katubigan. (Carl Angelo)

Tags: Manila Bay

You May Also Like

Most Read