Latest News

Mag-BFF, arestado sa shabu

By: Jantzen Alvin

Sa kulungan bumagsak ang dalawang mag- “best friend” na bukod sa kanilang trabaho ay nagsa-sideline pa sa pagbebenta ng shabu, kamakalawa ng gabi sa Moriones Street,Tondo, Maynila.

Nakadetine sa Manila Police District – Station 2 ang mga suspek na sina Ryanflor Esteban,alyas Boss,39, construction worker, ng No. 78 Calamansi Street Brgy 118 Tondo; at Albert Mayor, 43, ng 932 Bilbao Street Tondo, Maynila.

Ang dalawa ay naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa lugar matapos ang isinagawang surveillance sa iligal na aktibidad ng mga suspek.

Alas -11 ng gabi nang ikasa ang operasyon kung saan isang poseur- buyer ang bumili ng shabu sa mga suspek at nang magkaabutan ay saka sila inaresto.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P30, 600 at marked money na P500.

Sinampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 (Sale and Possession of Dangerous Drugs), Article II ng R.A. 9165 sa Manila Prosecutors Office.

Tags:

You May Also Like

Most Read