ARESTADO ng mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang mag-asawa kapwa miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos na diumano ay kupitin ang insentibo ng mga traffic enforcers mula sa inisyung Ordinance Violation Receipt (OVR) sa mga motoristang may mga traffic violation.
Nasa kustodiya ng SMaRT ang mga suspek na sina Ronald Costales,38, MTPB Traffic Enforcer at residente ng San Sebastian St., Tondo, Maynila.at Jennilyn Vostales, 31, MTPB OVR Encoder.
Alas-.10:45 ng umaga nang arestuhin ang mag-asawa matapos na ireklamo ni Rodel Delos.Santos ,hepe ng OVR, sa.tanggapan ng MTPB sa 3d floor ng Manila City Hall.
Nag-ugat ang pag aresto sa mag-asawa matapos na madiskubre na nagsabwatan para manakaw ang insentibo ng mga traffic enforcers mula sa OVR.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Sect 3e R.A. 3019 Anti-Graft Practice Act.at Qualified Theft ang mag-asawa. (Carl Angelo)