Lasing, arestado sa pagdakma ng “pepe”

By: Carl Angelo

Sa kulungan bumagsak ang isang electrician matapos na ireklamo ng Isang dalaga na dinakma umano nito ang kanyang ari habang naglalakad siya kasama ang mga kaibigan kamakalawa ng gabi sa may Padre Faura St., Ermita, Maynila.

Nakakulong ngayon sa Manila Police District-Police Station 5 ang suspek na si Antonio Alcantara, biyudo,electrician, ng Block 120 Lot 6 Phase 8, Sitio Imelda, Upper Bicutan, Taguig City.

Ayon sa biktimang si ‘Andi,’ 22, di tunay na pangalan,naglalakad sila ng kanyang mga kaibigan alas- 10:40 ng gabi sa nabanggit na lugar nang banggain ng dalawang lalaking lasing at kasunod noon ay dinakma na ng suspek ang ari ng biktima.


Tinangka ng biktima at mga kasama nito na pigilan ang suspek pero nagpatuloy lamang ito sa paglalakad kaya humingi ng tulong ang mga kasama ng biktima sa Barangay 667, dahilan para maaresto ang suspek.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong acts of lasciviousness sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District-Police Station 5

You May Also Like

Most Read