Latest News

Photo of SMART chief Col. Jhun Ibay and arrested cyber fraud suspect Daniel Labartin. (TSJ)

Lalaking sangkot sa cyber fraud, timbog sa entrapment

Arestado ng Manila Police District-Special Mayors Reaction Team(SMaRT) ang isang lalaking iniuugnay sa cyber fraud at gumagamit ng social media accounts ng ibang tao upang makapanghingi ng pera sa isinagawang entrapment operation,kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Kinilala ni PLt.Col Rosalino Ibay,hepe ng SMaRT ,ang suspek na si Daniel Labartin, 23, ng Block 38, Alimasag Alley, Dagat-dagatan, Caloocan City.

Si Labartin ay inaresto matapos na ireklamo ng magpinsang sina Mary Ruth Bangalan, 45, at Anthony Sevilla, 47, kapwa residente ng Tondo, Maynila.


Alas -8:10 ng gabi nang maaresto ang suspek sa parking area ng Manila City Hall na matatagpuan sa Antonio Villegas St., sa Ermita.

Napag-alaman na unang nagtungo sina Bangalan at Sevilla sa tanggapan ng SMART at inireklamo ang suspek ng cyber fraud dahil sa paggamit umano nito sa Facebook at Messenger account ni Sevilla upang makapang-scam at makapanghingi ng tig-P500 mula sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak.

Idinadahilan umano ng suspek na ang pera ay gagamitin ng biktima para sa kanyang pagpapagamot.

Sanhi nito,nagkasa ng entrapment operation ang mga pulis, sa pangunguna ni PCPT Joemar Mukarram, na nagresulta sa pagkakaatesto ng suspek.


Nakuha sa suspek ang P500 na marked money na ginamit sa operasyon at isang unit ng Redmi 6A Cellphone na hinihinalang ginagamit nito sa kanyang iligal na aktibidad.

Nalaman pa na ilang kaibigan at kaanak na ni Sevilla ang naloko at nahingian ng pera ng suspek.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 10175 Sec. 4 (a)(1) (Illegal Access) at Article 315 2(a) ng Revised Penal Code (Swindling/Estafa) sa Manila Prosecutors Office ang suspek. (Jantzen Tan)


Tags:

You May Also Like

Most Read