LALAKING SAKAY NG SUV, TINAMBANGAN SA TAPAT NG MANILA CITY HALL

SUGATAN ang isang Filipino-Chinese na nagmamaneho ng isang SUV, matapos tambangan sa tapat ng Manila City Hall southbound sa Maynila, Huwebes ng hapon (Abril 7).

Kinilala ang biktimang si Kim Lok Sy, 50 anyos, residente ng no. 38 JP Rizal St., Arty Subdivision, Valenzuela City, na nagmamaneho ng isang Toyota Fortuner na may plakang NBE 6545 nang maganap ang ambush.


Hindi naman nasaktan ang kasama sa sasakyan ng biktima na kinilalang si Dexter Tan.

Tinutugis pa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang sinasabing mga suspek na riding-in-tandem.

Nabatid na dakong alas- 420 ng hapon nitong Huwebes nang maganap ang pananambang sa panulukan ng Padre Burgos at Victoria Streets, sa bahagi ng Intramuros, Maynila.


Habang tinatahak ng Toyota Fortuner ang southbound ng P. Burgos ay tinabihan ito ng motorsiklo na may sakay na dalawang magka-angkas.Pinagbabaril ang bahagi ng driver’s seat na tumama din sa biktima.

Isinugod naman s Medical Center Manila ang biktima na nasa ligtas nang kalagayan.


Iniimbestigahan ni P/Corporal Alexis Ambrocio ang insidente habang patuloy ang operasyon ng follow-up at Tracker Team ng MPD para sa pagtugis sa mga suspek. (Carl Angelo)


Tags: Manila City Hall

You May Also Like