Latest News

Lalaki, sugatan sa sunog sa Sta. Mesa

Nagtamo ng minor injury ang isang lalaki habang nadamay na masunog ang apat na bahay nang mahagip ng apoy sa isang sunog na naganap kahapon ng hapon sa may Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas -12:47 ng hapon nang magsimula ang sunog sa may Quintana St.Sta.Mesa na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire out dakong alas -2:04 ng hapon.


Kinilala naman ang biktima na si Ariel Villiareal na nagtamo lamang ng minor injury habang nagliligtas ng kanilang gamit.

Tinaya ng BFP na may P75,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Patuloy naman iniimbestigahan ng Arson Division ang sanhi ng sunog. (Jantzen Tan)


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like