AGAD na nasawi ang isang 40-anyos na lalaki matapos barilin ng tatlong beses ng di nakikilalang suspek, kamakalawa ng gabi habang nakatayo sa kalsada sa may Tondo, Maynila.
Namatay habang nilalaparan ng lunas kahapon ng alas 5:10 ng umaga sa Tondo Medical Center ang biktimang si Jason Laquindanum, alyas Jason Bangkay,40, ng Blk. 20, Unit 224, Permanent Housing,Tondo,Manila.
Ayon sa imbestigasyon ni PCMS Dennis Suba ng Manila Police District -homicide section, naganap ang insidente alas- 7:16 sa panulukan ng Dayao at Infanta Street sa Balut, Tondo, Manila.
Sinabi ng saksing si Cherrylyn Yalong, 20, na nasa loob siya ng bahay nang makarinig ng tatlong putok .
Ilang sandali pa ay nakita niya ang biktima na duguang pumasok sa loob ng kanilang bahay at doon nagtago. Sa kabila nang nabigla ay nagawa ni Yalong na makahingi ng tulong sa barangay, na agad rumesponde at nagdala sa biktima sa pagamutan.
Samantala, patuloy ang MPD-homicide section sa inbestigasyon para matukoy ang suspek na bumaril at ang motibo sa pagpaslang sa biktima.














