Latest News

Masayang tinanggap ni Mayor Honey Lacuna mula kay NBI assistant director Romel Papa ang isa sa ilang certificates of commendation at ang badge ng NBI dahil sa pagsuporta nito sa bureau. (JERRY S. TAN)

KOMENDASYON AT BADGE, ALAY NG NBI KAY MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Binigyang-parangal ng National Bureau of Investigation (NBI) si Manila Mayor Honey Lacuna sa pamamagitan ng pag-prisinta sa kanya ng certificate of commendation at NBI badge sa ginanap na flagraising sa Manila City Hall Lunes ng umaga.

Ang NBI, na pinamumunuan ni Director Atty. Medardo de Lemos, ay kinatawan ni assistant director Romel Papa na siyang nagbigay ng nasabing komendasyon at badge sa lady mayor.

Sa kanyang talumpati, si Papa ay nagpahayag ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa buong NBI, kay Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at City Administrator Bernie Ang dahil sa walang sawang suporta ng mga ito sa ahensya.


“Since its inception, Manila had been the NBI’s home since 1936…and through the years, we’ve had a good working relationship with the city of Manila and even though we temporarily transferred to another city, Mayor Honey Lacuna extended her hand to help us. Kaya kami narito para magbigay ng taos-pusong pasasalamat sa city mayor, kay Vice Mayor Yul Servo at City Administrator Bernie Ang,” ani Papa.

Sinabi pa nito na maraming komendasyon ang NBI para sa alkalde subalit pinili lamang niya na isa lang ang basahin dahil sa init ng panahon.

Sa napiling basahing komendasyon, nakasaad na ang alkalde ay kanilang pinapupurihan “for the excellent leadership and performance in successfully spearheading your office in the performance to support the bureau beyond its mandate zealously. To accept the bureau’s request is admittedly a most challenging role coupled with the unpredictable complexities. Despite this, perfect execution delivery of the task was achieved. Such a milestone exemplifies a commitment to a meaningful public service and manifest dedication to duty as a public servant worthy of recognition and emulation.”

Kasunod niyan ay iprinisinta naman ni Papa sa alkalde ang isang NBI badge,


‘This certifies that the Manila city mayor is duly vested with powers and duties enumerated in Republic Act 157 as amended,’ ani Papa.

Matapos tanggapin ni Lacuna ang badge ay nagbiro ito ng: “Sir, ibig ba sabihin nito wala na ‘kong huli?”

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Lacuna sa pagkilalang ibinigay ng NBI sa kanya at sinabing susuportahan niya ang naturang bureau sa abot ng makakaya.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read