Latest News

Klase sa public at private schools sa Maynila, sinuspinde

Sinuspinde na ng Manila City Government ang klase maging sa mga pribadong paaralan sa lungsod.

Ang suspensyon ng klase ay ipinag-utos ni Manila Mayor Honey Lacuna matapos na unang suspindihin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang pasok sa trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at sa mga pampublikong paaralan sa mga lugar na apektado ng bagyong Florita.

Ayon sa Manila City Government , ang suspensiyon ay mula hapon ng Agosto 23 hanggang Agosto 24.


“WALANG PASOK: The City of Manila includes private schools in the suspension of classes for today, August 23 until tomorrow, August 24, 2022,” abiso ng lokal na pamahalaan.

“Through the Executive Order No. 29, Mayor Honey Lacuna-Pangan declares the suspension of both public and private schools in all levels as well as suspension of government offices due to the severe tropical storm #FloritaPH,” anito pa.

“Private offices shall have the discretion to suspend their work based on the weather condition,” anito pa.

Ang mga tanggapan naman anila ng gobyerno na nagbibigay ng basic at health services ay exempted o hindi kasali sa suspensiyon ng office work. (Baby Cuevas)


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read