PATAY ang isang lalaki na na-comatose muna bago binawian ng buhay matapos na pagpapaluin ng dos por dos ng suspek na rumesbak sa kanya ,kamakalawa ng hapon sa Sta.Ana ,Maynila.
Naisugod pa sa Sta.Ana Hospital ang biktimang si Jesus Miravalles,nasa hustong edad pweo kalaunan ay binawian rin ng buhay dahil sa.matinsing pinsala tinamo ng ulo at katawan.
Sa imbestigasyon ng Manila Police Disrict -homicide, naglalakad umano ang biktima alas 5 ng hapon sa lugar nang biglang lapitan at pagpapaluin ng dos por dos ng suspek na si Henry Macato.
Nagawa pa ng biktima na makauwi sa kanilang bahay bago ito nawalannng malay kaya isinunugod sa pagamutan.
Sa nakuhang impormasyon, may dalawang linggo na ang nakalipas nang mabugbog si Mavato sa lugar matapos na makipag inuman.
Nagreklamo umano ito sa barangay pero hindi naman niya isinama sa reklamo ang biktima pero isa ito sa pinabuntungan niya nang galit.
Ayon kay Kagawad Edwin Zambrona ng Barangay 905 Zone 100, posibleng napag-tripan umano ng suspek ang biktima.
Arestado naman ang suspek,at sinabi na hindi niya inaasahan na mauuwi sa ganoon ang pangyayari, at humingi rin siya ng tawad sa kaanak ng biktima.
Nahaharap naman sa kasong murder sa Manila Prosecutors Office ang suspek. (Carl Angelo)