Latest News

Kelot natukoy na patay dahil sa langgam

Natukoy na patay na pala ang isang palaboy na unang inakalang natutulog lamang nang mapagmasdan ang katawan nito na kinukutkot ng napakaraming langgam, kamakalawa ng hapon sa Hidalgo Lim St.,Malate,Maynila.

Inilarawan ni PSSg John Paul Rojo,imbestigador ng Manila Police District-homicide section, ang biktima na nasa edad 50-55, may taas 5’6 at kilalang palaboy sa lugar.

Nadiskubre ng parking attendant sa lugar na si Roberto Layag ang patay na biktima ala- 1:30 ng hapon habang nagpapa-parking ng mga sasakyan sa lugar.


Ayon kay Layag ,inakala umano niyang natutulog lang sa sidewalk pero nang mapagmasdan niya ay nakita niya ang sangkatutak na langgam na nasa katawan nito.

Kaagad umano niyang ipinagbigay alam sa barangay ang nakita na siya tumawag sa MPD-PS 5 at MPD-homicide section.

Huli umanong nakitang buhay noong Hunyo 5 ng alas 8 ng gabi sa lugar ang biktima. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read