Arestado ng Manila Police District (MPD) ang isang 31-anyos na lalaki matapos magbirong may bomba sa LRT -1 Pedro Gil Station southbound, kahapon ng hapon sa Taft Avenue,Maynila.
Nakadetine ngayon sa MPD-Police Station 5 ang suspek na si Leonard Hernandez Y Gamboa, alyas Leo, ng No. 56 Rivera St., Brgy. Rivera, San Juan City.
Ang suspek ay inireklamo ni Edison Ilac,43, security guard, ng LRT-1 Pedro Gil Station, at residente ng #872-1 T.M. Kalaw Avenue, Ermita.
Sa imbestigasyon,naganap ang insidente,alas- 5:35 ng hapon sa nabanggit na istasyon ng LRT 1.
Ayon kay Ilac dumadaan umano sa entrance ang suspek nang bigla itong.magsisigaw ng “may bomba,may bomba,may bomba.!!!’
Nagresulta umano ito ng panic sa ibang commuters at pangamba at tinangka umanong lapitan ni Ilac ang suspek nang bigla itong nagtatakbo pero hinabol ng mga pulis na sina PSSg John-Zen San Gabriel at PCpl El-Ar Malonzo ng Paco PCP at naaresto.
“Nagpra-prank lang po ako sir,”pag-amin ng suspek matapos.siyang bitbitin ng mga pulis.
Nahaharap sa kasong paglabag sa PD. 1727 “Anti-Bomb Joke Law’ sa Manila Prosecutors Office ang suspek. (Carl Angelo)














