Kasambahay, natagpuang patay sa kusina

Natagpuang nakahandusay at walang buhay sa loob ng kusina ang isang 35- anyos na kasambahay kamakalawa ng umaga sa.Sta.Mesa, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PCpl Jero Santos ng Manila Police District-homicide,alas-.9:30 ng umaga nang madiskubre ni Jan Albert Victor Francisco ang biktimang si Maritess Acebuche,tubong Samar at stay in sa 4746 Peralta St.,Sta.Mesa.


Dinala naman ang bangkay sa punerarya para sa awtopsiya upang matukoy ang ikinamatay ng biktima.

Nabatid na kumatok umano si Francisco pero walang nagbubukas ng pinto, kaya’t naisipan nito na magpunta sa likod ng bahay at nasilip umano nito ang kasambahay na nakahandusay.

Kaagad nitong ipinagbigay alam sa nakakasakop na barangay at saka sapilitang dinistrungka ang pinto at tumambad ang wala nang buhay na biktima. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide

You May Also Like