Latest News

KARNAPER, NANLABAN, SUGATAN

SUGATAN ang isang karnaper ng motorsiklo matapos na manlaban sa mga umarestong tauhan ng Quezon City Police District, kamakalawa ng umaga sa may Capulong St. Tondo, Maynila.

Sa ulat na isinumite kay NCRP0 Regional Director Felipe Natividad,nakilala ang suspek na si Romeo Garcia y Puno, residente ng Capulong Tondo.

Naganap ang insidente alas 11 ng umaga sa nabanggit na lugar matapos matukoy na dito itinago ng suspek ang kinarnap niyang motorsiklo na kulay itim na Suzuki Raider 150cc na may plate No. NG79152.

Nabatid na madaling araw ng tangayin ng suspek ang motorsiklo habang nakaparada sa harap ng Paltok Elementary School sa may Basa St, Brgy. Paltok, Quezon City.

Nabatid na nagreklamo ang biktima na hindi na pinaangalanan sa Masambong Police Station at matapos ang mga impormasyon nakuha ikinasa ang operasyon laban kay Puno. Bukod pa sa naberipikang warrant of arrest laban dito na isisilbi na rin ng mga pulis.

Nang puntahan ang lugar,nakita ang suspek at ang tinangay na motorsiklo ,gayunman sa halip na sumuko sa mga pulis,bumunot ito ng .38 revolver at pinaputukan ang mga pulis na mabilis naman nakaganti kaya tinamaan ang suspek.

Sa beipikasyon,nalaman na may standing warrant of arrest ang suspek na inisyu ni Judge Andy A De Vera of MTC Branch 28, Manila para sa kasong theft.

Nalaman na sangkot rin ang suspek sa paglabag sa RA 10591, RA 10883 at PD 1602. Habang sinampahan naman ng bagong kaso nang paglabag sa Violation of RA 10883 (Anti-Carnapping Law), Direct Assault with Attempted Homicide, Viol. of RA 10591 at Omnibus Election Code,ang suspek sa Manila Prosecutors Office. (ANDOY RAPSING)

Tags:

You May Also Like

Most Read