Latest News

Nagpatawa si Manila Health Department (MHD) Officer Dr. Arnold 'Poks' Pangan cracks sa ginanap na "MACHRA's Balitaan" ng Manila City Hall Reporters' Association sa Harbor View Restaurant, dahilan para matawa sina MACHRA President (left) Itchie Cabayan at Vice President Andi Garcia. (JERRY S. TAN)

KARAMIHAN NG NAMAMATAY SA COVID SA MAYNILA, HINDI BAKUNADO

By: Jerry S. Tan

Mula sa 2,070 namatay sa COVID-19 sa Maynila, mahigit 1,400 ang hindi bakunado.

Ito ang ibinunyag ni Manila Health Department (MHD) head Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, na labis na nalulungkot dahil sa mababang bilang ng mga nagpapa-booster na siya ring itinuturong dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID sa lungsod.

Sinabi ni Pangan sa “MACHRA’s Balitaan” news forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Harbor View Restaurant na ang kawalan ng interes na magpa- booster shots at magpaturok ng primary vaccines para sa ‘di pa bakunado ay dahil na rin sa pag-alis ng mga restrictions.


Binigyang-diin ni Pangan na noong kasagsagan ng pandemya, ang pangangailangan na mabakunahan o magpabakuna ay napakataas dahil obligado ang pagpapakita ng vaccination certificates bilang katibayan na bakunado ka bago ka papasukin sa malls, restaurants at iba pa.

Nawalan na ng interes aniya ang mga tao,dahil ngayon ay pinapayagan na ang lahat na makapasok sa establisiyemento kahit pa hindi bakunado.

Iginiit ni Pangan na ang lifting ng Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) para sa COVID-19 ng World Health Organization (WHO) ay ‘ di nangangahulugan na wala na ang COVID-19.

Ayon sa kanya, nananatili ang COVID sa ating paligid at sa katunayan, ang mga city-run hospitals sa Maynila na may 183 COVID bed allocations dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ay mayroong 15.4 percent bed utilization.


Ang lifting ng COVID status bilang public health emergency, ayon kay Pangan, ay nangangahulugan na hindi na magsu-supply ng bakuna ang WHO at: “ngayon, tayo na ang bibili ng bakuna.”

Binigyang- diin pa ni Pangan na ang pagbabakuna at booster lamang ang tanging paraan na panlaban ng isang tao sakaling siya ay madapuan ng COVID.

Ayon sa kanya, ang mga bakunado at may booster ay maaaring maging asymptomatic o mild kapag nagka-COVID di gaya ng mga walang bakuna na pupuwedeng maging ‘severe’ ang kaso tulad ng siyam na napaulat sa Maynila na tinamaan ng COVID kelan lamang.


Tags:

You May Also Like

Most Read